Highlights
- Upang mapabilis ang recovery ng ekonomiya kailangan umanong mapataas ang employment rate
- Kasabay nito ipapatupad nila ang wage subsidy upang suportahan ang mga nagnenegosyo
- Inaasahang dadami ang oportunidad upang magkaroon ng kabuhayan lalo na para sa mga nawalan ng trabaho
Pitong daang libong trabaho ang nasagip ng Australian federal government sa kabila ng COVID-19 pandemic. Ito ang ibinida ni treasurer Josh Frydenberg sa kanyang 2020 budget speech.
Sa kabila nito, papalo pa rin sa halos isang milyong Australyano ang kasalukuyang walang trabaho at sigurado umano si Ginoong Frydenberg na malaki ang magiging epekto nito sa ekonomiya ng bansa at ang nakikita nilang kasagutan ay trabaho.
Asahan din umano ang tax cuts sa mga lower and middle income earners kung saan maari nang iuwi ang karagdagang 40 to 100 dollars na dati ay napupunta lamang sa tax.
Kasama na dito ang paglalaan ng pondo upang makalikha ng mas marami pang trabaho para sa mga kababaihan at mga kabataan higit na naapektohan ng unemployment.
Para kay Carlo na mahigit limang taon nang health worker sa Perth, hindi lamang employment ang dapat pagtuunan ng pansin, mungkahi nito na isama sa prayoridad ang healthcare.
“Kinakailangang bigyan ng malaking budget ang health kasi kahit na maraming jobs kung hindi healthy ang mga mamamayan walang mangyayari. Sana maging priority ang community health.”
Kapansin pansin din umano ang kawalan ng suporta sa apprenticeship at training sa ibat ibang industriya.
Kaya natuwa naman ito nang mabanggit ni ang paglalaan ng pondo sa apprenticeship at training.



