Highlights
- Para sa mga Pinoy, ang kanin ay kinakain araw-araw.
- Ayon sa Sunrice, hindi kakayanin ng supply ang demand sa huling mga buwan ng taon.
- Kailangan maghanap ng alternatibo ang mga mahilig sa kanin.
Ngayong humaharap sa domestic rice shortage ang Australya dahil sa pandemya, tagtuyo, mga reporma sa tubig at kakulangan sa supply, ano ang gagawin ng mga rice-loving na Pinoy?
"A meal just isn't complete without rice. I eat it from morning until evening. I'll have a hard time living without it," saad ng Pinoy rice consumer Rommel na si Rommel.
Sang-ayon ang tradesman na si Joey dito, at dagdag niya na mahirap umiwas sa kanin mas lalo na kung ang paborito niyang ulam ay nakahanda sa hapag-kainan.
"Our household consumes more than one kilo of rice a day. We make sure to include it in our budget," aniya.
Ngayong magkakaroon ng domestic rice shortage sa Australya, naghahanap ng mga alternatibo ang mga Pinoy.
"Other countries like Vietnam and Thailand are exporting rice to Australia. We will more likely opt to whatever is available," saad ni Joey.
Kung mahirap maghanap ng kanin, kakayanin ni Rommel na bawasan ang pag-konsumo nito.
"I can maybe just have rice twice a day and just have bread or noodles when I can't," aniya.
BASAHIN / PAKINGGAN DIN



