Mga Pilipino mula Tsina darating ngayong weekend

Source: AAP Image/AP Photo/Aaron Favila
Ipinalaam ng Department of Foreign Affairs na darating sa Pilipinas sa weekend ang 45 na Pilipino na uuwi mula China Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III agad silang susuriin pagdating sa bansa. Ididiretso sa ospital ang mga makikitaan ng sintomas ng 2019 N-Co-v acute respiratory disease. Samantala sa Athlete’s Village sa New Clark City sa Tarlac naman tutungo ang mga bagong dating na pilipino na hindi makikitaan ng sintomas. Duon sila isasailalim sa labing apat na araw na quarantine.
Share



