Isang full-time na community health nurse, na nagpapatakbo ng kanyang sariling family day care, isang beauty therapist at isang napaka-aktibong miyembro ng komunidad Pilipino-Australyano sa Sydney, inilalagay lahat ni Dolly Borbe sa kanyang kalendaryo ang lahat ng kanilang mga gawain - mula sa lahat ng kanyang personal na mga kaganapan sa kanyang trabaho at pangako sa komunidad.
"Ito ay tungkol sa pamamahala ng oras talaga," pagbibigay-diin ni Dolly Borbe at dagdag niya na tinitignan muna niya ang kanyang kalendaryo at ng kanyang anak bago sumagot ng oo sa mga imibtasyon ng komunidad dahil kailangan nilang unahin ang pag-aaral ng kanyang anak at mga aktibidad sa paaralan.
Pinamamahalaan din ng single-mother ang iskedyul at mga pangangailangan ng kanyang bunsong anak. Para naman sa dalawang mas nakatatanda niyang mga anak, na pareho nang nasa sapat na edad at may mga sarili ng buhay, kaya na ng mga ito ang kanilang mga iskedyul at humihingi na lamang ng payo sa kanya kung kinakailangan.
Sa kapwa nila pagiging abala sa trabaho at mga gawain sa paaralan, ang Mumsy-and-Bubsy dance duo ay nagagawa pa ring ibahagi ang kanilang oras at talento sa komunidad sa kanilang aktibong pakikilahok sa mga gawain sa komunidad at mga kawanggawa.

Dolly (left) with her three daughters including Porsha (right) Source: Dolly Borbe Facebook

Dolly Borbe (right) and daughter Porsha Pepic Source: Facebook