Isang panalo sa mga penalty, 4-3, ay nagbigay sa Croatia ng kanilang ikalawang magkasunod na panalo sa penalty shootout - at nag-alis sa Russia mula sa sarili nilang World Cup, ilang araw lamang matapos nilang talunin ang Spain sa mga penalty.
Pasok na ngayon ang Croatia sa semi-final sa unang pagkakataon mula taong 1998.
Ang England matapos na talunin ang Sweden, 2-0, ay pasok na rin sa semi-final ng World Cup sa unang pagkakataon mula taong 1990, sa gitna ng lumalagong pagtitiwala ng publikong Ingles na maaari nilang ulitin ang kanilang panalo sa World Cup ng 1966.
Hinimay ng "Mr. Football" ng Pilipinas Elmer Bedia ang mga kaganapan sa dalawang laro sa ikalawang araw ng quarter-final.