Inilarawan ni Mike Moran ang ika-sampung araw bilang madrama at kawili-wili.
Sa unang laban, Belgium vs Tunisia sa grupong G ay 5-2 pabor sa Belgium. "the game was open, very fast-paced." Tumalbog ng mabilis mula sa isang free kick ang Tunisia, nakita ang mga atake dulo hanggang dulo sa unang kalahati ng laro. Bago matapos ang kalahati, napasok ng Belgium ang depensa. Ito ang naglagay sa Belgium bilang nangunguna sa grupo. Dagdag niya, "I think Belgium are one of those teams that will probably end up in round of 16" umaasa ng mabuting paglalaro mula sa kanila.
Nakakawili din ang laro ng Korea Republic vs Mexico, pumasok ang Mexico ng may buong tiwala. Natapos ang laban 2-1 pabor sa Mexico na naglagay sa Korea sa sobrang tensyon.
Pinaka-exciting naman ang laro ng Germany at Sweden kagabi sabi ni Mike, Nagsimula kaagad ng malakas ang Germany masigasig bumawi para sa pagkatalo nito sa Mexico. Ang iskor ay 2-1 pabor sa Germany.