Si Dan "Papa Dan" Villanueva, ay isang kilalang dating personalidad sa radyo sa Pilipinas at kailan lamang lumipat sa Australya. Bilang isang bagong migrante, alam niya ang mga hamon na kinakaharap ng mga bagong migrante sa kabilang paninirahan sa isang bagong bansa.
Sa ating unang serye para sa segmentong pinamagatang, "Gabay sa paninirahan sa Australia," sasamahan tayo ni Papa Dan at aalamin natin ang iba't ibang mga pagpipilian sa mga uri ng maaaring matirhan - tumira sa mga kamag-anak, umupa ng bahay o apartment, at flat sharing.
Ang badyet at lokasyon ay dalawang lamang sa mga bagay na dapat isipin ng mga bagong migrante sa pagpa-pasya kung anong ang pipiliing uri ng pabahay.
Makinig at malaman kung saan maaaring makakuha ng mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga opsyon sa tirahan.

In finding your accommodation, are you after the convenience of public transports? (A.Violata) Source: A. Violata