Alamin ang praktikal na paraan na makuha ang trabaho ayon sa kwalipikasyon ng isang skilled migrant worker

Architects working on a building design

Source: Pixabay

Lumalabas sa pag aaral na 1 sa 4 na permanent skilled migrant dito sa Australia ay nagtatrabaho sa mga mas mababa na antas kumpara sa kanilang skills o natapos na propisyon. Kaya kailangang malaman ang mga praktikal na pamamaraan para makahanap ang mga bagong dating dito sa Australia ng tamang trabaho na match sa kanilang skills, experience at kwalipikasyon.


Tatlong taong ng dumating dito sa Australia sa pamamagitan ng refugee visa ang 41 taong gulang na si Mazin mula Duhok City Northern Iraq. Kasama nyang nakarating dito ang dalawang anak na babae at asawa. Tumakas sila mula sa kanilang lugar papuntang Lebanon, matapos sakupin ng ISIS ang kanilang lugar, bago makarating dito sa Australia. Si Mazin ay isang electrical engineer sa Iraq pero tatlong taon na syang naghahanap ng trabaho sa kanyang propisyon dito sa Australia pero palagi itong bigo.

" isa akong electrical engineer sa loob ng 9 na taon, pero hanggang ngayon di pa rin ako nakakuha ng trabaho sa field ko," sabi ni Mazin

Kwento ni Mazin, ang kakulangan sa karanasan bilang electrical engineer dito sa bansa at ang limitadong kakayanan nila sa pagsasalita ng English ang dahilan kung bakit hindi sila natatanggap sa kanilang inaaplyang trabaho kasama ang asawa nito na isang guro.

“ Tanong nila if may experience ako dito sa Australia, lahat ng experience ko ay sa Iraq at dapat din daw ang pagsasalita namin ng English ay magaling, ito yong malaking balakid,” dagdag pa ni Mazin. 


Highlights

  • Isa sa apat na permanent skilled migrant worker sa Australia ay over-qualified sa trabaho
  • Tanggapin ang trabaho kahit mababa sa iyong kwalipikasyon at gawin itong stepping stone. Upgade ang komunikasyon  o English skills.
  • Gumamit ng tamang terminology dito sa Australia sa paggawa ng resume o CV. Kumuha ng registration/ lisensya  o kumuha ng training para makapagtrabaho base sa  kwalipiskasyon.
 


 

Lumalabas sa datos mula sa Committee for Economic Development of Australia nitong Marso 2021, 1 sa 4 na permanent skilled migrants na nakarating dito sa Australia ay over-qualified sa kasalukuyan nilang trabaho. Lumalabas din sa report na marami ang mismatch sa skills at trabaho kaya tinatayang nasa higit $1.2 bilyon ang nawawalang sweldo mula 2013 hanggang 2018. Dagdag pa ni David Forbes na isang Senior Employment Operations Coordinator sa Settlement Services International na isang organisasyon na tumutulong sa mga refugee at komunidad ng mga migrants kung paano magsimula dito sa Australia. Ang mahalaga umano sa mga bagong dating ay kung anong trabaho ang mapapasukan.

“ Karamihan sa mga migrants hindi alam ang pathway para makuha ang tamang trabaho base sa kanilang kwalipikasyon at karanasan," kwento ni Forbes.

Abiso naman ng isang Registered Migration Agent at kasalukuyang Managing Director ng Konnecting Group na si Fred Molloy dapat alamin ng mga migrante kung dapat kukuha pa ng lisensya o registration para sa propisyon bago mag apply sa isang trabaho. Dahil maliban sa pagproseso ng visa sabi ni Molloy isa din silang recruitment agency, na tumutulong sa mga employers maghanap ng mga skilled workers.

"Dapat alamin may mga lisensya , registration  na kailangan kunin sa mga specific na trabahao kung  magtatrabaho sa may mga bata dapat may training at certrificate. Ang iba kailangan pa ng training bago tanggapin sa trabaho, so dapat alam ito at kumpleto na bago mag-apply," dagdag paliwanag ni Molloy.

Si Nadina Benvenisti isang CV writer, career coach at recruitment specialist sa NB Career Consulting.  Sabi nya tumutulong sila sa job matching sa mga employers. At isa sa nakikita nilang dahilan kung bakit hindi natatanggap ng trabaho ang mga aplikante dahil hindi tama ang kanilang mga ginagamit na terminology sa kanilang resume o CV.

“ Kailangan ng market research , kasama na yong ads ng trabaho. Dapat yong nasa ads ng trabaho yon din ang isulat sa mga resume o CV para match. Dapat tandaan gamitin yong term na ginagamit dito sa bansa, yon ang mahalaga sa Australian market, " sabi ni Benvenisti. 

Dagdag pa nito, dapat alam ng mga aplikante ang gusto nilang trabaho bago mag-apply.

“Dapat alam ng mga aplikante kung anong klase ng trabaho ang gusto nila at kung ano ang hinahanap ng recruiters, if matched ang trabaho sa kwalipikasyon, saka na mag-apply," dagdag pa ng career coach.

Dagdag abiso ni Molloy, dapat isaalang alang ng mga bagong dating sa bansa na pwedeng tanggapin ang mas mababang antas ng klase ng trabaho at gawin itong stepping stone. Dapat ding mag- upgrade sa communication skills.

“dapat kumpleto sa lisensya o registration na required ito sa Australia, bago mag-apply dahil hindi ibig sabihin na registered ka overseas, tatanggapin yan dito sa Australia. Kung electrician ka, magtrabaho ka muna bilang assistant technician dito , yan ang  maging experience mo dito at aralin lahat, in years saka mag-apply," 

Sabi din ni Career coach Nadina Benvenisti mas mabuti kung personal na kausapin ang mga recruiters sa pag apply ng trabaho kaysa pag apply online.

“dapat palakasin yong koneksyon, networking . Pwede magsign-in sa Linkedin para maka-connect sa mga negosyante na naghahanap ng skilled worker. Tumawag sa mga recruiters at ibenta mo yong maganda mong record at pati yong working attitude," dagdag ni Benvenisti.

Si Abby Jose na isang construction manager at project development manager ngayon sa isang kompanya. Nakatulong ang 16 years na experience nya sa ibang bansa sa kanyang pag hahanap ng trabaho. Dahil ng dumating sya sa Australia taong 2020, naghanap sya ng career consultant at umabot Lang sa anim na linggo nakahanap agad sya ng trabaho.

“Ang hired career consultant ko ang  gumawa ng resume/CV ko at bingiyan nya ako ng tutorial kung paano ang mga ginagamit dito sa Australia, inaral ko yon.Dapat alam mo yong terminology dito sa Australia, " dagdag ni Jose.

Naniniwala si David Forbes na malaking tulong sa maraming organisasyon sa Australia ang pagdating ng mga skilled migrant sa bansa.

“ Dahil sa experience mula sa ibang bansa, magaling ang mga migrants sa pagresolba ng mga malalaking problema sa kanilang trabaho. Isang asset ang mga migrant na may experience sa ibang bansa dito sa mga kompanya sa Australia," 

 

    


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Alamin ang praktikal na paraan na makuha ang trabaho ayon sa kwalipikasyon ng isang skilled migrant worker | SBS Filipino