Nakilala na ng awtoridad ang isa sa mga dalawang suspek sa twin bomb attack sa isang Army base sa Indanan, Sulu noong Biyernes na pumatay ng 8 katao at naminsala ng 22.
Nakilala ng awtoridad ng Pilipinas ang isang Pilipinong miltante na si Norman Lasuca bilang isa sa mga suicide bombers na nagpasabog ng bomba noong Biyernes sa gate ng isang army encampment sa Indanan, Sulu. Ang isa pang suicide attacker ay hindi pa nakikilala.
Si Lasuca ang unang kilalang Pilipinong milatante na nagsagawa ng isang suicide bombing.




