Inaasahan na maging pamantayan ang flexible work arrangements, at ang mga employer ay magkakaroon ng higit na aktibong papel sa pamamahala ng pakikipag-ugnayan at kapakanan ng mga emplyado.
Ayon sa pinakabagong pananaliksik mula sa University of Sydney Business School, ang karamihan ng mga empleyado sa Australia ay nais na magpatuloy sa pagtatrabaho mula sa bahay matapos ang COVID-19.
Mga highlight
Hinihiling ng mga empleyado ang isang hybrid na modelo ng remote-office na pagta-trabaho pagkatapos ng pandemya ng COVID-19.
Ang pagkakaroon ng kultura ng lubos na tiwala sa pagta-trabaho nang wala sa lugar-trabaho ay maaaring magpabuti ng moral ng empleyado at pagiging produktibo.
Ang kaayusan sa trabaho na naaangkop sa pangangailangan ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa mga empleyado na hindi matagumpay na mapamahalaan ang mga limitasyon sa pagitan ng propesyonal at personal na buhay.
BASAHIN DIN/PAKINGGAN