Mabilisang lumikas ang halos 10,500 na residente ng Batangas matapos sumabog ang bulkang Taal. Hindi na nabitbit ng mga residente ang kanilang mahahalagang ari-arian dahil kinailangang lisanin ang lugar. Sa ngayon, nakataas pa rin ang Alert Level 4 sa naturang probinsiya. Habang ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs ay nagbabala sa posibilidad ng mas malakas na pagsabog ng bulkan, lindol at tsunami.
Share




