Isang bagong pag-aaral ang nagsasabing ang mga kabataan sa Australia may problematikong relasyon sa social media at hirap na iwasan ang maging online dahil sa takot na hindi maging updated.
Key Points
- Lumabas sa bagong pag-aaral ng mental health provider na Headspace na may problematikong relasyon ang mga kabataan sa Australia sa social media.
- Sa survey naman ng National Youth Mental Health sa mahigit tatlong libong kabataan edad 12 hanggang 25, isa sa tatlong kabataan ang babad sa social media.
- 51% ang kadalasang nais mag-log off sa internet pero napi-pressure na maging updated sa mga online trend.
Share





