Bago pa man sumabak sa pag-arte sa telebisyon at pelikula, madalas ng sumasali si Makisig Morales sa mga paligsahan ng kantahan. Malaking bahagi ng kanyang buhay ay musika lalo na at ang buo niyang pamilya - kanyang mga magulang at lahat ng kanyang 10 kapatid ay mahilig ding kumanta.
Dating nakatira sa Perth, Western Australia kasama ang kanyang pamilya, lumipat ang ngayo'y 23-taong gulang na si Makisig sa Sydney noong taong 2018 dahil sa tawag ng pag-ibig.




BASAHIN DIN/PAKINGGAN






