Dating Konsehal ng Gold Coast Margaret Grummitt, Bagong Honorary Konsul ng Pilipinas para sa Queensland

Chargé d’Affaires, a.i. San Agustin congratulates Margaret Grummitt (right) on her assumption into office as Philippine Honorary Consul for Queensland

Chargé d’Affaires, a.i. San Agustin congratulates Margaret Grummitt (right) on her assumption into office as Philippine Honorary Consul for Queensland Source: Philippine Embassy Canberra

Itinalaga bilang Honorary Consul ng Brisbane noong Enero, 2016 si Margaret Grummitt at nangakong gagawin niya ang lahat niyang makakaya na mapagsilbihan ang mga mamamayang Pilipino na nasa Queensland. Larawan: Binati ni Chargé dAffaires, a.i. San Agustin si Margaret Grummitt (kanan) sa kanyang pagkakatalaga bilang Philippine Honorary Consul para sa Queensland (Philippine Embassy Canberra)


Dahan-dahan lamang daw tayo sa pakikipag-usap sa kanya dahil siya ay hindi Pinoy, ngunit ipinagmamalaki niyang marami siyang magagawa para sa mga Pilipino sa Queensland. Marami siyang kakilala at koneksiyon sa mga samahang sibiko at malalaking kumpanya.

 

Dating pulis at retiradong Konsehal ng Gold Coast City Council, handa siyang ipagtanggol ang kapakanan ng mga Pinoy sa Queensland.

 

Ang Konsulado ng Pilipinas ay may opisina sa Bowen Hills sa Brisbane ngunit dahil taga Gold Coast si Ginang Grummitt, bibiyahe raw siya tuwing Miyerkules ng mga isa at kalahating oras para gampanan ang boluntaryong gawaing ito.



Nakausap ni Erwin Cabucos si Hon Consul Margaret Grummitt.

 






Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand