Pormula sa buhay: Isang beses sa isang linggo

Jeuss Polandaya at SBS studio Source: Aaron Wan / SBS
Si Jeuss Polandaya ay isang taong may iba't ibang kaalaman at kasanayan. Siya ay hindi lamang isang guro ngunit isa ring environmentalist, lider ng komunidad at isang volunteer. Ipinagmamalaki ni Jeuss ang kaniyang pagiging kasapi ng Freemasons Victoria kung saan siya ay nakakakuha ng inspirasyon upang makapagbigay serbisyo sa komunidad. Ayon kay Jeuss determinado siya na sundin ang 'isang oras sa isang linggong' pormula sa buhay – ibig sabihin ang pagboboluntayo ng isang oras sa isang linggo, pag-aabuloy ng isang oras bawat linggo ng kaniyang sahod sa kawanggawa at isang oras sa isang linggo para sa pagpapasalamat sa tinamo niyang mga biyaya.
Share


