Ilang Pinoy nabibiktima ng scam sa online marketplace

scam, ATO, marketplace scam

Scammers often pretend to be from government departments and rely on fear, intimidation and people’s instinct to comply with authority Source: Getty Images/RUNSTUDIO

Pinag-iingat ang mga mamamayan sa pagbibigay ng personal na detalye sa sinuman dahil sa pagtaas ng mga scam report ngayong taon ayon sa Scamwatch at ACCC.


Highlights
  • Ngayong taon, umabot sa $119 milyon ang halaga ng nawala sa buong bansa dahil sa scam.
  • Isa sa mga modus ng mga manloloko ay tatakutin ang mga tao at uutusang magbayad, sabay kuha ng password at bank account details.
  • Target din ng mga scammer ang mga bagong salta na walang alam sa batas sa Australia.
Hindi akalain ni Mang Armando* na sa edad niyang 56, maloloko pa siya dito ng mga kawatan sa Australia. Mahigit isang dekada na rin siyang naninirahan dito at isang Australian citizen.

Mula kasi ng maaksidente siya sa kumpanyang pinapasukan ay nag retiro na ito at nagtayo na lamang ng negosyo.

*hindi niya tunay na pangalan

Panloloko sa online marketplace

Ang sistema bumibili siya ng mga second hand na sasakyan, kukumpunihin,pagagandahin at saka ibebenta. Isang araw napukaw ang kanyang atensyon sa isang sasakyan sa facebook market, kulay pula , makinis, nasa 2015 model, mababa pa ang natakbo at higit sa lahat nasa $8,000 dollars lamang ang halaga.

Agad niyang kinontak ang nagpost at nagkipag deal, inutusan siya nito na ipadala ang pera sa isang bank account at ginawa naman niya lahat.
online scam, marketplace
Source: Photo by Canva Studio from Pexels
Usapan nila na idedeliver na lamang ang sasakyan sa kanyang addresss. Pero lumipas ang mga araw walang sasakyan na dumating at napagtanto niya na siya ay naloko. Inereport niya ito sa mga pulis at hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ng update.

Ilan lamang si Armando sa dumadaming biktima ng scam sa bansa. Ayon sa datos tinatayang nasa $119 million dollars ang halaga ng mga na scam nitong nakaraang setyembre. $5 million dollars dito ay scam dahil sa COVID-19.

Pananakot ng mga scammer

Ayon sa Australian Consumer And Competition Commission’s Scamwatch o ACCC, pinaka maraming bilang na scam ay mula umano sa Australian Taxation Office, panakot ng mga scammer magkukunwaring empleyado at may nakabinbin umanong kaso at inihahanda na ang warrant of arrest kung hindi magbabayad.

Ayon kay deputy chair Delia Rickard ng ACCC, istilo ng mga ito na takutin ang mga tao at kapag naramdamang kumagat ito ay saka uutusan na magbayad kasabay ng pagkuha ng mga importanteng impormasyon tulad ng bank account at password.

Mga bagong salta, isa din sa mga target

Hindi lamang matatanda ang naloloko kundi maging ang mga nasa edad 25 hanggang 34 years old.

Target din ng mga scammer ang mga taong hindi pa permanenteng naninirahan sa bansa bukod kasi sa takot pa ang ito ay hindi pa nila alam ang mga batas sa Australia.


Tinatayang nasa 33% ang hindi na nag-abalang ireport ang mga insidente ng panloloko bukod kasi sa abala at mahihiya ang mga ito.

Paano makakaiwas sa mga online scammer

online scam, marketplace
Source: Photo by Anna Shvets from Pexels
Payo ng mga otoridad huwag magpanic kung nakatangap ng kakaibang tawag, kumpirmahin sa lihitimong ahensya ang anumang problema. Tandaan hindi umano tatawag ang mga ahensya ng gobyerno sa mga tao para ikaw ay takutin kung sakali at padadalhan ka ng email o sulat para sa anumang paglabag na nagawa o dili kaya ay papauntahin ka sa kanilang tangapan.

Pinag-iingat din ang lahat na huwag basta maniwala sa mga text na natatangap tulad ng pagkapanalo umano sa isang raffle o sa lotto o mga email na kinukuha ang iyong mga pribado impormasyon.

Tandaan sa panahon ngayon kailangan maging wais at alerto, huwag masaganyak sa laki ng halaga na ipinapangako lalo kung sa telepono mo lang naman nakakausap.

Para sa iba pang impormasyon maaring buksan ang kanilang website sa www.scamwatch.gov.au at maaring ireport ang anumang insidente ng scam sa www.accc.gov.au.

ALSO READ/LISTEN TO



Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Ilang Pinoy nabibiktima ng scam sa online marketplace | SBS Filipino