Layunin ng programa na magbigay kaalaman tungkol sa mga batas at regulasyon sa pagmamaneho sa estado. Tatlong sesyon ang nakalaang isasagawa kabilang na dito ang :
1. Keeping Left
Tatalakayin sa sesyon na ito ang pagrerehistro sa sasakyan at pagkuha ng insurance, pagpili ng sasakyan at paano nga ba malalaman kung safe gamitin ito, mga panganib sa pagmamaneho, at ano ang dapat gawin kung mabangga ang iyong sasakyan.
Ito ay gaganapin sa Miyerkules, ika-18 ng Marso , 12 :30-2pm
2. Wheels
Aalamin naman sa sesyon na ito ang mga dapat malaman sa pagbili ng second-hand na sasakyan, kabilang ang iba pang mga paksa katulad ng :
- Ano ang mas mainam – bumili sa private seller, dealer, o auction
- Ano ang dapat mong malaman bago pumirma sa contract warranties
- Ano ang proseso sa pag-transfer ng ownership at pagkuha ng insurance
Ito ay gaganapin sa Huwebes, ika-2 ng Abril, 12 :30-2pm
3. Road Rules Quiz
Ang ikatlong sesyon naman ay patungkol sa mga nakakalitong road rules. Tatalakayin dito ang:
- Mga bagong batas o road rules
- Mga dapat mong malaman kung mabangga ang iyong sasakyan
Ito ay gaganapin sa Biyernes, ika-8 ng Mayo, 6 :00-7 :30pm
Iba pang mga balita:
- Graham Smith Peace Foundation, nangangailangan ng bagong CEO;
- Bakuna laban sa trangkaso (influenza) ibibigay ng libre sa mga homeless sa SA;
- Libreng home battery iaalok sa mga residente na naapektuhan ng mga nakaraang sunog sa estado habang itinatayo nilang muli ang kanilang mga tahanan;
- WomAdelaide, isang open air festival na nakatakda sa Botanic Garden sa Adelaide, magsisimula ngayong araw bilang bahagi ng Adelaide Festival 2020.