Ayon kay Dr. Mary Jean Loreche ng Department of Health Central Visayas, layunin nito na matulungan ang mga OFW at nang hindi na sila gumastos ng malaki sa mga hotel.
Sinabi naman ni OPAV Secretary Micheal Lloyd Dino na ang nasabing proyekto ay alinsunod sa utos si Pangulong Rodrigo Duterte na i-fast track ang testing at releasing ng swab test result para sa mga OFW at ROF upang maka-uwi sila kaagad sa kani-kanilang lugar imbes na manatili ng matagal sa mga quarantine facility.
Umaasa rin si dino na sa pamamagitan nito ay mapipigilan ang mabilis na pagtaas ng COVID-19 cases sa Central Visayas lalo na’t isa ang MCIA sa major aviation hubs ng bansa.
Sa ngayon, may labing isang testing booths nang nakapwesto sa international arrival area ng airport.
Bente kwatro oras hanggang apatnapu’t walong oras ang releasing ng swab test.
Ayon kay Loreche, kapag negatibo ang resulta ng swab test ng isang pasahero ay maari na siyang maka-uwi agad—pero, ang mga positibo sa COVID19 ay dadalhin sa temporary treatment mega facility at isolation facility ng lokal na gobyerno.



