Habang ipinagdiriwang ng Sydney Gay and Lesbian Mardi Gras Festival ang 47 taon na pagtataguyod nito para sa komunidad LGBTQIA+, kinoronahan naman nitong linggo ang mga nanalo sa Miss Mardigras International Queen 2025.
Key Points
- Sa tema ngayong taon na 'Free to be', ang iconic na Sydney Gay and Lesbian Mardi Gras Festival ay nakatakda mula Pebrero 14 hanggang Marso 2, 2025.
- Ang 17 araw ng makulay at hindi malilimutang mga sandali ay magpapakita ng mga internasyonal na performer, mga party, teatro, community event atbp, na magtatapos sa sikat na Sydney Mardi Gras Parade sa Sabado, Marso 1, 2025.
- Pinangunguhan ng Flagcom and Friends, kasama sa delegasyon ng komunidad Pilipino sa pinakahihintay na parada ngayong taon sina Miss Mardigras International Queen 2025 Clod Bernardino, Rainbow Princess - Mimi mula sa Thailand, at Pink Triangle Princess - Gabby mula sa Australia.
Share





