Mula ballad patungong R&B, maaari kayang sundan ni Calmell Teagle ang musika ni Rihanna?

Calmell Teagle

Calmell Teagle Source: Instagram

Sa kanyang mataas na boses at pagkahilig sa musikang R&B at kaunting pagkakahawig kay Rihanna, maaari kayang si Calmell Teagle ay maging isang malaking pangalan sa pandaigdigang eksena ng musika?


Si Calmell ay 14-na-taong-gulang lamang nang ang Pilipino-Australyanong mang-aawit ay itinampok sa 2013 season ng X Factor Australia, kung saan ang kanyang pagganap sa awitin ni Whitney Houston na I will Always Love you ay naging viral sa social media.

Bagaman iilang tao lamang ang nakakaalam na sinubukan niya at sumali siya sa X Factor Australia nang apat na beses na magkakasunod, kung saan noong taong 2016 ay umabot siya sa pinale sa nasabing palabas bilang bahagi ng girl group na Aija.

NItong Sabado (Pebrero 16), kasama ang iba pang mga lokal na nakikilala at baguhan na artist mula sa Western Sydney, ang mang-aawit na sumusubok na magsulat ng sarili niyang mga awit ay magtatanghal bilang bahagi ng CPAC Live - ang una sa isang patuloy na serye ng libreng live na mga kaganapan sa musika sa Casula Powerhouse Arts Centre (CPAC).
Calmell Teagle
Calmell Teagle (Supplied) Source: Supplied



Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Mula ballad patungong R&B, maaari kayang sundan ni Calmell Teagle ang musika ni Rihanna? | SBS Filipino