Sa panayam ni Marc Leabres kay Al Tesoro na isa ring IT security propesyonal, ibinahagi niya kung paano siya nagsimula sa paglalaro sa rugby league aat rugby union at kung ano ang hinaharap ng Rugby sa susunod na mga panahon.
Mula sa basketbol hanggang sa paglalaro ng rugby
Al Tesoro speaks with Marc Leabres on Skype Source: SBS Filipino
Si Al Tesoro ay isa sa mga aktibong manlalaro ng Rugby League sa PIlipinas. Pagkatapos maging manlalaro ng basketbol sa kanilang pamantasan sa isang malaking liga, siya ay lumipat sa Rugby Union at Rugby League, subalit mas pinagtuunan ng pansin ang Rugby League. Larawan: Al Tesoro sa panayam ni Marc Leabres sa pamamagitan ng Skype (SBS Filipino)
Share

