"I look in the mirror and all I see is being overweight... but how I transformed myself and lose weight is all about building habits and it is where my passion of life coaching started to develop." ("Sa pagtingin ko sa salamin, ang tanging nakikita ko lamang ay labis na timbang... ngunit kung paano ko binago ang aking sarili at nagbawas ng timbang ay tungkol lahat sa pagkakaroon ng magandang gawi at dito nagsimulang mabuo ang aking pagkagusto na magbigay-gabay sa iba.")
Ibinahagi ng life coach na si Gez Perez ang kanyang paglalakbay mula sa pagharap sa mga hamon ng pagiging sobra ang timbang hanggang sa malampasan ito at dinala ito sa mas mataas na antas - ang pagbibigay-gabay sa iba.
Naniniwala si Gez Perez na "ang ating desisyon sa kasalukuyan ang siyang tunay na tumutukoy ng ating kondisyon. Ang ating mga pagpiling ginagawa ngayon ang magtatakda ng ating kinabukasan, ngunit ang paggawa ng maliliit na progresibong hakbang ang makakapagsulong sa atin".




