Key Points
- 1993 nang mag-migrate mula Pilipinas sa New Zealand ang pamilya ni Niño Deomano habang 2005 naman lumipat sa Australia. 17-anyos siya nang lumipat sila kaya nahirapan ito sa bagong bansa.
- Ayon sa Australian Department of Home Affairs, sa katapusan ng Hunyo 2022, mayroong 586,020 na tao na ipinanganak sa New Zealand na naninirahan sa Australia.
- Bata pa lang sa Pilipinas ay bahagi na siya choir pero sa New Zealand ay hindi na ito nakapagsilbi kaya nang magkaroon ng oportunidad sa Australia ay naging bahagi ito bilang Presidente ng Filipino Choir of Saint Francis Church o Kiko Choir kasama ang asawang si Lori.
- Nakapag-front act sa concert ni Martin Nievera sa Australia habang naka-duet naman niya si Leah Salonga sa concert nito nang mapili siya mula sa audience.
- Guest singer si Niño Deomano sa darating na concert gig ni Chedi na dating miyembro ng Smokey Mountain sa darating na ika-26 ng Oktubre 2024 sa Cairnlea, Victoria.
Sa panayam ng SBS Filipino, sinabi ni Niño Deomano na malaking bagay na maibalik ang tulong sa komunidad.

"It's like choosing songs; if you are familiar with a song, I feel good about it because I can sing it well. It's the same with volunteering in the Filipino community; being familiar with it is important as it helps take you away from a negative place to a very positive one," saad nito.
By helping others, you are also helping yourself and paying it forward.Niño Deomano
Sumagi din sa isip Niño na gawing karera ang pag-awit pero mas pinili nito ang pag-aaral kaya masaya na siya sa pagkakataon kapag iniimbita ito na maging front act o guest singer sa ilang mga konsyerto.




