Australian boxing champ, isang proud Pinoy

Australian Bantamweight Champion Mark Schleibs

Australian Bantamweight Champion Mark Schleibs Source: Mark Schleibs

Ang naranasang hirap sa buhay ang siyang nagtutulak sa Australian Bantamweight Champion na si Mark Schleibs na maging isang kampeon sa boksing.


Highlights
  • Si Mark Schleibs ang kauna-unahang Pinoy na nanalo ng Australian Bantamweight Champion title sa larangan ng professional boxing
  • Naranasan ni Mark Schleibs ang mahirap na buhay sa kanyang paglaki
  • Lalaban siya sa ika-11 ng Disyembre sa Canberra para sa IBF Intercontinental Featherweight title
Sinabi ng Australian boxing champ na si Mark Schleibs na tulad ng maraming Pilipino, alam niya kung ano ang pakiramdam na mabuhay sa kahirapan.

“Being Filipino and coming from poverty I want to make something of myself to make my mum and family proud.”

Ang 27-taong-gulang na boksingero ay nagmula sa Tacloban, Lyete at pinalaki ng isang single mother.

Ibinahagi ni Ginoong Schleibs na lumipat siya sa Australia sa edad na apat na taong gulang nang hindi nakikilala ang kanyang ama.

“My mum is a single mother. My biological father is from Saudi Arabia and I never met him. My mum married my stepdad that’s why we’re here in Australia.”

Proud Pinoy

Ibinahagi ni Mark Schleibs na tunay niyang ipinagmamalaki na irepresenta ang mga Pilipino sa Australya.

“I Feel extremely proud and I want to invite Filo-Aussies to pick up boxing and maybe become the Australian version of Manny Pacquiao when it comes to winning the title.”

Aniya, ito din ang nagtulak sa kanya upang lumaban para sa IBF Intercontinental Featherweight title na magaganap sa ika-11 ng Disyembre sa Canberra.

“I’ve been preparing myself very hard. I think about my mum, my son, my family and my country [Philippines]. They all help me get the victory."



 

 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand