Matapos ibahagi ng 'trashion' at installation artist na si Francis Sollano kung paano nagsimula ang kanyang itinataguyod ngayon na adbokasiya sa pamamagitan ng kanyang mga gawang sining na mula sa mga basura, pinalakpakan naman ng mga nakapakinig ang kanyang mga ginagawa.
Ibinahagi ni Third Secretary Nicole de Castro mula sa Philippine Embassy kung bakit lubos ang pagsuporta sa kanya ng embahada dito sa Australya.
Pinuri naman ng First Assistant Secretary Allaster Cox mula sa Department of Foreign Affairs and Trade ng Australya ang kanyang ginagawa para sa kapaligiran at pagiging isang inspirasyon para sa mga kabataan at mga komunidad na kanyang tinutulungan.

3rd Secretary Nicole de Castro (right) being interviewed by SBS Filipino Source: SBS Filipino/A. Violata