Kaya't nagtuon siya ng pansin sa pagtatanim ng namumulaklak na mga halaman partikular na ang mga chrysanthemum, na itininda niya bilang libangan tuwing Araw ng mga Ina. Sa bandang huli nagtanim siya ng iba't ibang uri ng mga rosas. Sa kasalukuyan hindi lamang siya ang nabibigyan ng kasiyahan ng kaniyang mga rosas ngunit pati na rin ang komunidad.
Usapang Paghahardin : Nenita Griffiths

Source: Supplied
Si Nenita Griffiths ay nakatira sa isang farm sa Wangaratta kasama ang kaniyang pamilya. Ang kaniyang kasanayan sa paghahardin ay nagsimula sa kaniyang bayang sinilangan sa Pilipinas. Una siyang nagtanim ng mga gulay sa layuning sariwang gulay ang ihahain sa hapag kainan ngunit ayaw kumain ng gulay ng kaniyang kapamilya.
Share



