Siya ay kumakatawan sa isang modernang Pilipinang ‘millenial’ – masipag sa trabaho, bihasa sa teknolohiya at handang madaliang kunin ang kanyang ‘backpack’ para bumiyahe at alamin pa kung ano ang mayroon sa mundo.
Isa sa siyudad na kanyang binisita ay ang Sydney, Australia (G’day, mate!).
Sa ating intensyon upang magbigay-payo sa mga Pilipinong ‘yuppies’ (pati na rin sa mga pamilya) na nagpaplanong magtungo o handa ng pumunta sa Sydney, kinausap natin si Anj tungkol sa kanyang karanasan.
Ibinahagi niya ang magagandang lugar na kanyang napuntahan, mga masasarap na pagkaing kanyang natikman, mga payo sa pagba-badyet at ang kanyang mahalagang natutunan tungkol sa kultura ng Australya.
Mula sa kanyang perspektibo, nakita natin ang Sydney mula sa sariwang mga mata.
Pakinggan ang ating panayam.








