Inilunsad ang nabanggit na round noong nagdaang Martes, kasama ang mga manlalaro, taga-hanga at mga opisyal mula Greater Western Sydney Giants, Sydney Swans at AFL.
Ang hanay na ito ng laro ay inilaan upang hikayatin ang mga tao mula sa lahat ng kultura na yakapin ang isport.
Ngunit ang mukha ng paglunsad ay isang Sikh na taga-suporta na nag-ngangalang Gurpreet Grewal, isa sa pinakamalaking tagahanga ng football.