Highlights
Ang pinakahuling tala ay mula sa pangalawang wave sa Europa, na nagsabi ng pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso.
Mahigit na 50 milyong kaso, kasama ang isa punto dalawang milyong pagkamatay, ang naitala sa buong mundo, buhat nang lumabas ang pandemic sa China noong Disyembre ng nagdaang taon.
Ang Europa na may 12.6 milyong kaso, ang minsan pa'y naging pinaka-aktibong rehiyon ng pandemic.
Ang mga pinuno ng Germany, France at Britain, ay nag-utos sa kanilang mga mamamayan na bumalik sa lockdown, habang ang populasyon sa hilagang Denmark ay humaharap sa bagong patakaran ng lockdown dahil sa Covid 19
Sinabi ni Chancellor Angela Merkel, na nagtatrabaho siya para ang buong populasyon ng kanyang bansa ay magakaroon ng imunidad sa virus, habang pinag-uusapan ng gobyerno kung sino ang dapat unang bakunahan ng vaccine.




