Dagdag pa niya na ang mga beauty pageant ay mahusay na plataporma upang gumawa ng mga kawanggawa at makipag-ugnayan sa iba upang higit na magsilbi sa komunidad.

Si Glyssa ay nagsimula sa pagsali at pagiging panalo sa mga beauty pageant sa murang edad na 16, dala at kasama ang kanyang buong pamilya bilang kanyang mga taga-suporta sa lahat ng kanyang kumpetisyon.
Kamakaila'y bumalik at nanirahan siya sa bayan na pinagmulan ng kanyang mga magulang ang bayan ng Bohol kung saan siya ay aktibong nakikilahok sa maraming kawanggawa.


Para sundan ang paglalakbay ni Glysssa Perez, magtungo sa: https://www.facebook.com/glyssaperez/



