Key Points
- Planong kausapin ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. si Filipino gymnast Carlos Yulo para malaman kung paano makakatulong ang gobyerno sa mga atleta sa bansa para sa hinaharap.
- Namataan ang tatlong barko ng People’s Liberation Army-Navy ng China na bumuntot sa multilateral maritime cooperative activity ng Pilipinas, Australia, US at Canada sa West Philippine Sea.
- Nilagdaan na ni Education Secretary Sonny Angara ang Implementing Rules and Regulations o IRR ng Kabalikat sa Pagtuturo Act.