Patuloy ang pag-host ng Gold Coast ngayong linggo sa pinakamalaking pagtitipon ng mga travel agents sa buong mundo na tinawag na Australian Tourism Exchange; Itinuring ng Queensland Department of Agriculture ang nakaraang tag-ulan bilang kabiguan habang kinukumpirma naman nila ang mga lugar sa Estado na malubhang naaapektuhan ng matinding tagtuyot; Apat na kandidato sa Queensland para sa pampederal na posisyon ang sumusuporta sa marriage equality, kaalinsabay sa pagdiriwang ng International Day against Homophobia, Transphobia and Biphobia bukas; at Isang mainit na pagtanggap ang ipinapaabot ng mga pinoy sa Queensland hinggil sa pagkapanalo ni Rodrigo Duterte bilang ik- labing anim na pangulo ng Pilipinas.


