Pederal na gobyerno hihigpitan ang pagpapalabas ng mga Australians sa bansa ngayong may pandemya

NSW Health Authorities Work To Contain Community COVID-19  Cluster

SYDNEY, AUSTRALIA - (Photo by James D. Morgan/Getty Images) Source: Getty Images AsiaPac

Dahil sa pandemya, ngayong darating na Myerkules Agosto 11 ipapatupad ng Federal Government na kailangang mag-apply ng exemption to leave ang lahat ng Australians na nandito sa bansa at aalis ng dahil sa overseas na naninirahan. Bagay na di sinang-ayunan ng maraming Australians dahil tila nililimitahan na ang kanilang pag-uwi.


Highlights
  • Australians na lalabas ng bansa ngayong panahon ng pandemya, kailangan mag-apply ng exemptions to leave
  • Australians na nakatira sa ibang bansa ay kailangang magpakita sa border ng approval to return home para makabalik sa bansa.
  • Australians na stranded overseas umabot na sa 38,000 higit 4500 dito ay vulnerable
Mas higpitan ngayon ng Australian government ang kanilang batas, ukol sa pagbyahe palabas ng bansa nilang mga permanent resident at citizens na naninirahan sa ibang bansa.

Ayon sa Federal Government, lahat ng mga citizens na nakatira sa ibang bansa ay kailangang magpakita sa border pa lang, ng approval to return home para makabalik dito. Apektado sa ganitong pagbabago ng batas at palisiya ang australian na si  Judith White, na may pamilya at ari-arian na sa London.


 

" Isang problema na naman tong dapat tawirin para makauwi, may pamilya at bahay ako sa London, andun ang buhay ko. May pamilya din ako dito ( Australia) na kailangan kong makita, " kwento ni White.

Labing dalawang taon ng nakatira sa london si White . Pero bago ang pandemya, pabalik balik ito kada anim hanggang isang taon dito sa Australia.

"Hindi ko maintindihan kung anong meron sa pagbabagong ito, pero isang malaking dagok na naman para sa amin, parang pasabog,"

Ayon kay Finance Minister Simon Birmingham , ang pagpapatupad ng bagong batas at polisiya ay hakbang para mabawasan ang bilangng mga australians na nakapila na gustong bumalik sa bansa.

"Merong umaalis tapos nagpapalista dahil gustong bumabalik dito sa bansa. Dagdag na  pressure at problema sya kung paano i-manage para makabalik sila safely,"

Pumayag na ang mga estado at teritoryo sa pagbabalik ng 38, 000 na mga Australians na stranded sa ibang bansa na gustong bumalik. Pero dapat paunti - unti, para di magkahawaan ng virus lalo na sa dalang peligro ng Delta variant. At sa bilang na ito, kulang- kulang 5,000 ang vulnerable. Pero giit ni  Labor's Health Spokesman Mark Butler, dapat huwag pahirapan ang mga Australian citizens , dahil may karapatan itong umalis at bumalik sa bansa.

"Karamihan sa mga bumabalik sa bansa ay galing sa emergency o  binisita yong mga mahal sa buhay, nitong pandemya. Kailangan din silang makauwi dahil andun ang buhay nila, yon ang dapat unawain at ipaliwanag sa kanila ng maayos kung merong pagbabago," sabi ni Butler.

Depensa ni federal Home Affairs Minister Karen Andrews, ang ginawang mga pagbabago ngayong may pandemya ay hakbang para sa ikabubuti ng lahat. Para mabigyan ng proteksyon ang lahat ng nandito sa bansa mula sa virus at ang karapatan ng mga Australians na nasa labas pa ng bansa. Ayon sa Department of Foreign Affairs, umabot na sa 54 ang bilang ng mga Australians sa ibang bansa na namatay dahil sa Coronavirus.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagtugon laban sa Covid -19 , bisitahin ang  sbs.com.au/coronavirus

Listen to SBS Filipino from 10am - 11am daily

Like and Follow us on Facebook for more stories


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand