Key Points
- Ipinaliwanag ng Registered Migration Agent na si Em Tanag na maraming visa na pupwede sakaling nais makuha ang magulang mula Pilipinas dito sa Australya pero ang pinakamabilis anya ay sa pamamagitan ng Visitor Visa.
- Ayon sa website ng Department of Home Affairs, ang Visitor Visa subclass visa 600 ay para sa mga turista, business visitor o sa mga nais mabisita ang pamilya ng tatlo, anim o 12 buwan.
- Sinabi din ni Ms Tanag na may mga opsyon kung nanaising mas pahabain ang pananatili ng aplikante sa Australya.
Ang podcast series na 'Trabaho, Visa, atbp.' ay tinatalakay ang mga isyu at impormasyon sa migrasyon tuwing Huwebes sa SBS Filipino.
Paunawa: Ang pangkalahatang paliwanag at impormasyon ay gabay lamang. Para sa dagdag na impormasyon at payo na naayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa isang abogado o registered migration agent.