Key Points
- Solong anak ang mag-asawang Barry at Herbelle Duremdes.
- Madalas ang kanilang pagtawag at pag-uwi sa Pilipinas para ma-adopt ng mga bata ang kultura ng Pilipino.
- Tinuturo sa mga anak ang kahalagahan ng pamilya.
Solong anak si Barry Dennis Duremdes at kanyang asawang si Herbelle. Kaya nang mag-migrate sa Australia at nagka-anak, mas dinadalasan nila ang pagtawag at pag-uwi sa kanilang mahal sa buhay para mas makilala ng kanilang mga anak ang mga kaanak sa Pilipinas.
"Gusto sana naming ma-adopt ng mga bata ang culture ng Filipino pa din kahit dito sila pinanganak. Makilala nila ang Lolo, lola , mga tito, titas at iba pang kaanak, yong malaki ang pamilya na masaya marami at nagdadamayan.
Pagkatapos ay matutunan ng mga bata ang magagandang kaugalian, at ma-experience nila ang tradisyon natin," kwento ng mag-asawa.
Sa isang ulat ang tradisyonal na kaugaligan ng pamilyang Pilipino na sadyang kilala sa buong mundo ay :
- Pagpapahalaga sa Pamilya o Family-oriented,
- Magalang
- Masipag
- May takot sa Diyos o matatag ang pananampalataya,
- Marunong makisama
- Mapagbigay o hospitable,
- Tumatanaw ang utang na loob,
- Masayahin
- Mapagmahal na handang sumuporta at dumamay ano mang mangyari