Handa ka na ba para sa roadmap to freedom ng NSW?

NSW Premier Gladys Berejiklian

NSW Premier Gladys Berejiklian Source: AAP

Ipapatupad ang pagluluwag ng mga restriksyon sa estado sa oras na maabot ang 70-80% ng fully vaccinated na populasyon. Pero nasan na nga ba tayo sa byaheng ito papunta sa new normal? Ating himayin at unawain ang planong ito ng estado.


Highlights
  • Magluluwag ang mga restriksyon sa buong NSW mula ika-18 ng Oktubre
  • Tanging mga fully vaccinated lang na empleyado at customer ang papayagan sa maraming establisyemento
  • Hinihikayat ng pamahalaan ang natitirang 20% ng populasyon na magpabakuna sa tulong ng "First Things First" campaign
Naglabas ang New South Wales ng roadmap para sa pagluluwag ng mga restriksyon sa estado.

Sa ngayon, higit 47% na ng eligible population ang fully-vaccinated sa NSW at 80% na ang nakakuha ng first dose ng bakuna.


 

 

Simula Lunes, ika-13 ng Setyembre, ang mga fully vaccinated na residente ay pwede nang makisalamuha sa hanggang (5) limang tao na fully vaccinated din. Pero hindi pa rin maaring lumayo sa 5km mula sa tahanan ang pwedeng puntahan.

Kung nakatira naman sa 12 LGA of concern:

  • Pwede nang magpicnic ang pamilya kung fully vaccinated ang mga adult na kasama sa bahay at within 5km radius.
  • Ipapatupad pa rin ang curfew at limitado pa rin ang oras ng pag-eehersisyo.
LGAs of concern in Greater Sydney COVID-19
There are 12 Local Government Areas (LGAs) of concern in Greater Sydney including some suburbs in Penrith. Source: SBS

Mga pagluluwag ng restriksyon simula October 18

Simula October 18, inaasahang maabot na ang target ng estado na 70-80% fully vaccination.

  • Ang mga restaurant, gym, salon, swimming pools, sinehan, malls o retail at pubs/clubs ay papayagan nang magbukas.
  • Mga fully vaccinated lang ang tatanggapin na customer at empleyado.
  • Kasama din yung mga exempted sa bakuna dahil sa kanilang medical conditions.
  • Ang mga may edad 16 pababa na wala pang bakuna ay makakapasok lang sa mga lugar na nabanggit kung ang kasama ay myembro ng kanilang pamilya o household. Kaya hindi pwedeng tumambay kasama ang tropa kung walang bakuna. 
  • Ipapatupad pa rin sa 4sqm rule ang mga indoor venues at 2sqm naman sa labas.
  • Ang mga malalaking venue tulad ng zoo, stadium, theme park at theatre ay hindi pwedeng lumampas sa 5000 na tao. Kung ticketed ang event, hanggang 500 lang ang pwede at 75% ng capacity sa mga sinehan.
  • Dalawang fully vaccinated din ang papayagan bumisita sa mga aged care homes.
  • 50 fully vaccinated na bisita ang papayagan sa kasal o sa dadalo sa lamay.
Good news din para sa mga inip na inip nang magtravel!
Pwede nang bumiyahe sa buong NSW maliban sa mga hotspot areas.

Hindi pa rin lusot sa pagsusuot ng face masks sa mga indoor public venue tulad ng mga public transport, airport, shopping centers at iba pa.

Paano naman ang 20% na unvaccinated?

Pwede pa rin silang pumasok sa mga critical retail tulad ng bangko, supermarkets at post office.

Patuloy din ang kampanya pamahalaan para hikayating makiisa ang natitirang bilang ng mga residente na wala pang bakuna.

Inilunsad nitong weekend ang “First Things First” campaign para ipakita ang mga matatamasang kalayaan ng mga fully vaccinated sa komunidad.

Giit ng pamahalaan, hindi ito sapilitan. Pero kung hindi ka magpapabakuna, tiyak na ikaw ay mapag-iiwanan.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand