Sa kanyang unang talumpati sa parliamento, sinabi ni Senador Brian Burston ng partidong One Nation, na ang multikulturalismo sa Australya ay bigo. Larawan: Brian Burston niyakap ni Pauline Hanson pagkatapos ng talumpati (AAP)
Tinira din niya ang SBS , NITV at ABC, at ang balak na pag-popondo sa mga ito ng gobyerno, upang palitan ang mga ito ng tinawag niyang, Partiotic Broadcasting Corporation.
Idinagdag niya maaring maglingkod ang mga ito, sa interes ng tinawag niyang pang-malawakang Australya.
Share




