Nagsimula sa inspirasyon hango mula sa 'before and after school care' sa Australya, itinayo ni Roy Ponce ang isang after school care program sa maliit na komunidad sa Mati sa Davao. Sa nasabing komunidad wala pang nakapagtapos ng elementarya. Kadalasan abala ang mga magulang at anak sa pagtulong sa gawain sa pangingisda. Bunga ng Happy Fish Kids, matapos ang maraming taon nakapagtapos ang mga unang grupo ng bata ng kolehiyo
Nabuo na din ang Happy Forest Kids at Happy Farm Kids sa mga kalapit komunidad. Narito ang panayam kay Roy Ponce PhD, founder ng Happy Fish Kids
Share





