Triathlon event sa Sydney, ipinakita ang pagbabayanihan ng mga Pilipino sa Australia

Filoz Triathlon

Promoting a healthy lifestyle through 'swim-bike-run' Source: Archie Karganilla/Filoz Triathlon Club

Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang triathlon event, naipakita ng isang grupo sa Sydney ang pagbabayanihan ng mga Pilipino sa Australia. Layunin ng grupong Filoz Triathlon Club na mapagsama-sama ang mga Pilipino, pati na rin ang ibang lahi na lumahok sa mga karerang kanilang inoorganisa.


Itinataas ng pamunuan ng nabangit na grupo ang lahi at bandilang Pilipino dito sa Australia.

"Itong palarong ito lang ang nag-iisang palaro sa buong Australia na hosted at being run by pure Filipinos. We can be proud of what we are doing," pahayag ni Joey Guerrero, pangulo ng Filoz Triathlon Club.


 

Highlight

  • Mahirap na maituturing ang sport na triathlon - pinagsasama-sama nito ang pagtakbo, pagbibisikleta at paglalangoy. 
  • Layunin ng Filoz Triathlon Club na magbigay ng inspirasyon sa mas maraming tao na sumali sa triathlon.
  • Sa pamamagitan ng triathlon, hangad ng grupo na maengganyo ang mga Pinoy sa Australaia sa pagsali sa ganitong klaseng sport.

 

 

Sa bawat taon na ginaganap ang "Happy Triathlon" sa Penrith, NSW, nadaragdagan ang bilang ng mga lumalahok sa karera.

"Noong unang triathlon event namin, karamihan ay mga Filipino. Noong pangalawang triathlon event, nag-50-50 na (mga Filipino at mga Australians)," lahad ni G Guerrero.
Filoz Triathlon
The 'swim-bike-run" event aims to aspire and inspire and help others get into a healthy lifestyle. Source: Filoz Triathlon Club
"You will be surprised this Sunday (24 January), ang sasali sa event natin ay karamihan mga Australian na."

"Na-capture natin 'yung heart and trust ng mga Australians."

"Isa pong karangalan sa ating mga Pilipino na ipakita natin din sa ating mga kababayan dito sa Australia as well as to Australians, that the Filipinos can deliver a world-class event.
Filoz Triathlon
Participants to 2020's Kids Duathlon. Source: Filoz Triathlon Club
Nasa 150 ang inaasahan na lalahok sa "swim-bike-run" event ng Club sa taong ito.

Kabilang sa mga event nitong Linggo ang Individual and Team Time Trial, 8km Fun Run na bukas para sa lahat ng edad.

Magkakaroon din ng 4km Costume Run at Kids Duathlon para sa mga bata.
Filoz Triathlon
Joey Guerero (front) takes a groufie with the event participants. Source: Filoz Triathlon Club
Ang Filoz Triathlon Club ay miyembro ng Triathlon Australia at Triathlon NSW.

BASAHIN DIN/PAKINGGAN



Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand