Inaalam pa ng Department of Health kung saan nakuha ng Pilipino na nanggaling sa Dubai, United Arab Emirates ang bagong variant ng COVID-19 na unang natukoy sa United Kingdom.
Ito ang unang natukoy sa Pilipinas na kaso ng bagong UK variant.
Mga highlight
- Ginagawa ng Department of Health ang contract-tracing sa mga nakasalamuha ng isang Pinoy na unang kaso ng COVID-19 UK variant sa Pilipinas.
- Ang lalaki ay nagpunta sa Dubai noong Disyembre 28 at bumalik sa Pilipinas noong Enero 6.
- Inirerekomenda na isama na ang United Arab Emirates sa listahan ng mga bansang isinailalim sa travel restrictions ng Pilipinas.
Humihingi ng tulong ang Department of Health sa mga lokal na pamahalaan na tulungan ito na makontak ang iba pang mga pasahero na sakay ng Emirates Flight EK-332, ang eroplanong sinakyang na naturang lalaki.