Mga eksperto sa kalusugan may babala sa peligrong dala ng 'new year, new me' diet at weight stigma

Overhead view of young Asian woman using fitness plan mobile app on smartphone to tailor make her daily diet meal plan, checking the nutrition facts and calories intake of her meal, sourdough toast with smashed avocado and cherry tomatoes in a restaurant

Overhead view of young Asian woman using fitness plan mobile app on smartphone to tailor make her daily diet meal plan. Source: Moment RF

Lumalabas sa mga syentipikong pag-aaral at ebidensya ang pagbabawas ng timbang o dieting ay naghahatid ng pisikal at psychological na pinsala kaya kumambyo ngayon ang mga health at fitness professionals sa tinatawag na weight-neutral approach para sa kapakanan ng mga tao.


Highlights
  • Ayon kay Dr. Fiona Willer isang dietitian, at lecturer ng Queensland University of Technology maraming dahilan sa kung bakit mataba, kaya hindi ito basehan sa totoong kondisyon ng kalusagan ng isang tao.
  • Totoong nababawas ang 5 hanggang 10 porsyento ng timbang sa pagdiet sa loob ng 6 na buwan pero lumalabas sa pag-aaral bumabalik ang timbang sa paglipas ng ilang taon.
  • Weight-neutral approach nagpapalakas sa Health At Every Size o HAEs Approach
Hindi na bago sa lahat ang  katagang 'bagong taon, bagong buhay' naging ugali na kasi ng lahat na kapag bagong taon, ito ang panahon na nagbabalik tanaw sa mga nangyari sa nagdaang taon.

Kaya dito naglalabasan ang mga New Year’s Resolution at isa sa mga paborito o gustong  makamit sa bagong taon ng marami ay  ang pagbabawas ng timbang.


 

Pakinggan ang podcast dito:
At sabi ni Alicia Holmquest na isang qualified dietitian sinasamantala ito ng maraming kompanya na nag-aalok ng pagbabawas ng timbang. Sa pamamagitan ng kanilang advertisement o patalastas  sa lahat ng platform sa media, lalo na sa social media, para sa mas maraming kliyente.

" Pinakalayunin ng mga tao ay ang pag-improve ng kanilang pangangatawan o pagbabawas ng timbang at ang insecurities na ito ang ginawang kapital ng mga kompanya para madagdagan ang kanilang kita."

Bilang isang qualified dietitian, ginamit ni Holmquest ang kanyang kaalaman para itayo ang WIRL, na isang mental well-being App na gumagamit ng food o pagkain para mapabuti ang kondisyon ng mga kababaihan.

Sabi nito matapos ang mahabang pagdiriwang gaya ng pasko at bagong taon, ginagamit ng mga multi-bilyong dolyar na diet industry ang narararamdamang ‘guilt at shame’ ng maraming tao, para magbawas ng timbang kahit gumastos ng malaki.

"Lahat ng magandang pangako ng kompanyang ito ay base sa syentipikong pag-aaral ay maghahatid ng body dissatisfaction at disorder eating behaviour, kasi tinuturuan nila tayo na magbawas ng pagkain at pinangalanan nila ang pagkain na tama at masama."

Saad naman ni Dr Fiona Willer na isang  Advanced Accredited Practicing Dietitian at lecturer ng Queensland University of Technology.

Maraming dahilan kung bakit mataba o payat ang isang tao, kaya hindi ito reliable na basihan, sa totoong kondisyon sa kalusugan ng isang tao.

" Mataba man o payat ang pangangatawan, marami sa kanila ang malusog at hindi, at iba ang ibig sabihin kung healthy o maganda ang kalusugan  ang pag-uusapan. Pero dapat maintindihan ang kaibahan ng health at weight"

Ani ni Dr.  Willer, totoong nababawas ang lima hanggang sampung porsyento ng timbang sa loob ng anim na buwan ng pagdidyeta, pero lumalabas sa ginawang pag-arral na kadalasan, bumabalik ang timbang na ito  at minsan pa, mas mabigat  ang  nadadagdag  natimbang sa loob ng  dalawa hanggang limang taon.

At  nagiging rason ito para makulong ang isang tao sa tinatawag na ‘cycle of dieting’, na magreresulta ng metabolic changes o pagbabago sa kondisyon ng  kakayahan ng katawan ng  tao na magsunog ng pagkain sa loob nito.

Dahil dagdag ni Dr. Willer, ang katawan ng isang tao ay natural na nakikitang ang pagpapababa o pagbabawas ng enerhiya at sustansya sa katawan kapag nagdiet ay banta sa kanilang survival. 

" Ang totoo ayaw ng katawan natin na kulang ang enerhiya at sustansya na ibinibigay natin para magampanan natin ang pang-araw araw na gawain at proteksyonan ang ating katawan sa sakit."

Ayon naman kay Louise Adams  na isang  clinical psychologist at founder ng UNTRAPPED – na isang  online community ng mga taong may isyu sa pagkain at timbang, dapat may gagawing pagbabago sa  tinatawag na ‘weight stigma’.

"Marami ng weight-loss program ang nasubukan  pero hindi ito gumagana, ang totoong problema ay ang weight stigma kung saan ang komunidad ay hindi tanggap ang mabibigat ang timbang at ito ang dapat na baguhin."

Paliwanag nito dapat  wakasan na ang ideyang  weight-centric, patungo sa  weight-neutral approach,  para tugunan at gamutin ang mga isyu na kinakaharap ng isang tao para palakasin ang tinatawag na  ‘Health At Every Size’ o mas kilala ngayong HAES.

At dito sa Australia, marami  ng medical, health, at fitness professionals  ngayon ang gumagamit ng HAES approach .

" Ano man ang kondisyon ng kalusugan ay may weight-neutral na paraan para tugunan ito at gusto ng aming grupo na maalis ang weight-based discrimination sa health care system natin."

Dagdag ni Adams, may mga ebidensya ng lumalabas, na ang pagwakas ng stigma sa timbang ng katawan ng tao o tatak na mataba ka kaya hindi ka healthy o maganda. At bagkus,  ay tumulong at tanggapin ang mga pagbabago  sa lahat ng aspeto ng buhay,  ay nakakatulong para mapabuti ang pisikal at mental health  ng mga taong may mabigat na timbang.

" Sa HAES, recognise namin na hindi basihan ang bigat ng timbang ng tao, kung hindi paano tinatrato ang tao kung saan kakabit na ang problema sa kalusugan. At kung  nagmamalasakit sa kalusugan ng isang tao , dapat bigyan ng lunas ng problema, tulungan at damayan ito sa nararanasan hindi iwanan na mag-isa."

Para sa mga taga-pakinig na nangangailangan ng suporta at tulong tungkol sa eating disorder  at may isyu sa timbang  ng katawan ,tumawag sa Butterfly Foundation sa 1-800 334 673  o bisitahin ang  www.butterfly.org.au.


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand