Hiniling kay Pampederal na Ministro ng Kalusugan Sussan Ley na sumantabi sa tungkulin habang inatasan ng Punong Ministro ang Kagawaran na imbestigahan ang mahigit na isang dosenan biyahe na pinondohan ng publiko sa kanyang paglakbay sa Gold Coast. Larawan: Ang apartment na gusali sa Gold Coast na kung saan pam-pederal na Ministro ng Kalusugan Sussan Ley ay bumili ng unit noong taon 2015 (AAP)
Naganap ito pagkatapos sumang-ayon si Ley na bayaran ang mga travel allowance na kli-neym niya noong taong 2015 na kung kailan bumili siya ng isang investment property.
At sa ulat na ito, pinanindigan ni Ley na hindi niya nilabag ang anumang batas -- subalit humingi siya ng paumanhin sa nakikita niyang pagkilos na nakasira sa adyenda ng pamahalaan.
Share




