Si Bjorn Santos, na dating naging bahagi ng kilalang heavy metal rock band na Slapshock, ay nagsabi na habang ang lahat ng bagay ay nagbabago, ganundin ang musikang rock - magkakaroon ng pagbabago, maiiba at naaayon sa lasa ng bawat henerasyon.
Ibinahagi ng dating rock band guitarist ang kanilang simula sa mundo ng rock music, hanggang sa pagta-trabaho bilang isang nars sa Australia at ngayon, nasa likod ng mga eksena, nagtataguyod ng ibang mga rock band.
Sa ating programa ngayong araw, kasama niya ang producer ng konsiyerto ng Slapshock sa Australia na si Nel Varquez para sa mga detalye ng kanilang konsiyerto.
Panoorin ang ating Facebook Live sa pamamagitan ng bideyo sa ibaba: