Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Tangkad laban sa bilis

Boomers Coach and Gilas Pilipinas Coach

Australian Boomers’ head coach Anrej Lemanis and Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes Source: (SBS Filipino/R. Manila)

Iyan ang pagsasalarawan ng dalawang coach ng koponan ng Australya at Pilipinas sa pagtatasa sa kanilang mga laro ngayong gabi para sa ikalawang bintana ng FIBA Basketball Asian Qualifying. Lamang ang mga Boomers sa tangkad subalit umaasa ang Gilas na bilis ang magpapanalo sa kanila


Sinabi ng coach ng Gilas Chot Reyes, ang tanging pag-asa para sa kanilang koponan para manalo ay maging mabilis ang laro  kati pa man hindi maka-paglalaro ang kanilang pangunahing playmaker at point guard, Jayson Cstro na nagpapagamot sa kanyang pilay.

At mabilis na sinabi ni  coach  Lemanis  na sila ay handa para sa hamon.

Subalit bukod sa bentahe sa kanilang tangkad, binigyan diin ni Lemanis ang pananaw at kemistri ng pambansang pangkat,  na binubuo ng mga miyembro ng iba't ibang koponan mula sa NBL.

Sinabi ni Jason Cadee, ang pangunahing playmaker ng Boomers, hindi dapat maliitin ang Gilas.

Naniniwala si Lemanis ang naturalised Filipino na si Andrey Blatche ang dapat bantayan.

Sinabi ni Chot Reyes na alam naman ng lahat na ang koponan ang umaasa nang husto kay Blatche, at inaaashan na dapat niyang ibigay ang kanyang pinaka-magaling kahit pa man si Blatche ay maglalaro buhat sa pilay.

Inamin ni Chot Reyes na ang laro ay iyang mahirap na hamon para sa kanila.

Subalit naniniwala si Lemanis, kulang pa ang koponan sa pagkakaisa-at pagsama-sama dahil dalawang bese lamang silang naka-pag-praktis mula nang maka-paglaro ng dalawang beses tatlong buwan na ang nakalipas..

Subalit sinabi ni Chot Ryes, iyon ay isa lamang "coach talk".


Share

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now