Ang Autism ay kinikilala sa buong mundo bawat taon tuwing ika-2 ng Abril sa World Autism Day. Ito'y may tatlong pinaka-karaniwang klasipikasyon: Autistic Disorder, Asperger's Syndrome at Pervasive Developmental Disorder.
Ayon sa Autism Spectrum Australia halos isa sa 80 na Australyano ay may ilang uri ng autism, na tinatayang 40 porsyento na pagtaas mula taong 2014.
Highlight
- Iminumungkahi ng genetic research na kung ang isang magulang ay may autism, malamang na magkaroon din nito ang anak.
- Mas laganap ang autism sa mga batang lalaki kaysa sa mga babae.
- 40,000 katao na mula sa mga komunidad migrant ay tumatanggap ng suporta mula sa NDIS.
Maagang pagtuklas at pamamagitan
Sa mga sanggol at bata, ang autism ay naiugnay sa mahinang komunikasyon, madalas kulang sila sa facial expressions, eye contact at basic body language.
Ang apat na taong gulang na anak ni Kari Nicol na si Chase ay na-diagnosed na may autism nang ito’y dalawang taon pa lamang. Noong una'y normal ang pag-usad ng bata hanggang sa siya ay mag-18 buwang gulang. Nagsimula itong matigil sa kanyang mga ginagawa tulad ng pagtigil sa pagpalakpak, pagkanta ng mga paboritong awitin at maging pagsasalita.
Aniya, nakatulong sa kanya ang maagang pagpapasuri para magkaroon ng nararapat na suporta para sa kanyang anak at higit niyang naintidihan ang kondisyon nito.

Out of the 430,000 Australians receiving support under NDIS, almost 140,000 have autism. Source: Getty Images
“I couldn't even imagine what my life would be like right now with a four-year-old on the spectrum and not having the help that I have and we've had for two years,” aniya.
Binanggit ng Paediatrician na si Dr Raj Khillan ang ilang palatandaan na dapat bantayan ng mga magulang:
When a child’s verbal and non-verbal communication, social communication, social and play skills are poorer than expected for that age and have a repetitive stereotypical pattern of behaviour, you can consider these to be early signs of autism.
Dagdag na mga hamon para sa mga migrante at refugee
Making friends and having strong connections with their peers are important parts of a child’s development. But Sarah Wood, the head psychologist at Learning for Life Autism Centre, says autistic children often find it difficult to develop such connections.
Bahagi ng paglaki ng mga bata ang pakikipagkaibigan at matatag na koneksyon sa kanilang kapwa. Ngunit sinabi ni Sarah Wood, head psychologist sa Learning for Life Autism Centre, madalas na nahihirapan ang mga batang autistic na mabuo ang naturang koneksyon.

A survey conducted by Amaze shows a low level of understanding about autism. Source: Getty Images
“This could be because they [autistic kids] see the social world differently to us and maybe don't pick up on the kind of gestures or the change in tone of voice and things like that- that comes to us naturally.”
Suporta para sa Autism sa Australia
Ang Amaze, isang not-for-profit organisation sa Victoria na binuo ng mga pamilya ng mga batang autistic, ay nagta-trabaho para sa kamalaya at suporta para sa mga taong may autism.
Sinabi ng deputy CEO nito na si Nicole Rees, ang pag-navigate sa autism ay lalong mahirap para sa ilang refugee at komunidad migrante dahil sa mga pagkakaiba sa kultura at wika,
“We know that some refugee communities and migrant communities are less likely to be regularly connecting with their child and maternal health nurse or with kindergarten or with GPs, and those services and support play such an important role in early detection.”
There’s a risk that communities are easily falling through the cracks of our support system and there's lots of different reasons for that.
Sa 430,000 Australians na tumatanggap ng suporta sa ilalim ng National Disability Insurance Scheme, halos 140,000 ay may autism, at karamihan sa mga tumatanggap ay mga bata.
“The scheme works with individuals and their families to identify supports that could range from things like occupational therapy, behavioural therapy, psychologists and also any day-to-day supports that their disability may require,” ayon sa NDIS Branch Manager Shannon Rees.

Navigating autism can be particularly challenging for some refugee and migrant communities. Source: Getty Images
Mayroon ding programa ang NDIS na community connectors programme at serbisyo ng pagsasalin na target na maabot ang mga multikultural at magkakaibang komunidad.
Samantala, ang Amaze ay patuloy sa kanilang mga programa ng online webinars na maaaring magamit ninoman. Kabilang sa mga paksa ang autism para sa mga dalaginding hanggang sa mga nagta-trabaho.
Bukod dito, mayroon ding peer support groups na nag-uugnay sa mga pamilya.
Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa Autism Spectrum Disorder, magtungo sa:
Autism Connect helpline: 1300 308 699