Una niyang tinulungan ang kanyang lolo at lola na gamitin ang kanilang smartphone at ma-access ang mga serbisyo ng gobyerno online.
Sa pamamagitan ng isang programa ng gobyerno, nadagdagan pa ang bilang ng mga tinuturuan ni Sam Coronado at nagkaroon siya ng pagkakataon an maibahagi ang kanyang nalalaman sa mga nakatatandang miyembro ng PEASER sa Melbourne.
Sa maikling panahon, naturuan niya ang mga lolo at lola na gumamit ng smartphone, ma-access ang mga serbsiyo online at maging maingat sa paggamit ng kanilang mga online account.