Ang Australia ay kasalukuyang may kasunduan sa 13 bansa, pinapayagan ang mga Australyano na mag-ampon ng mga bata sa pamamagitan ng 'intercountry adoption program'.
Highlight
- Sa 334 na pag-ampon noong taong 2019-20, tanging 37 ay sa ilalim ng 'intercountry adoptions'.
- Sa ilalim ng 'Expatriate adoption', ang mga magulang na mag-aampon ay kailangang may minimum na 12 buwan na nakatira sa ibang bansa bago sila makapag-ampon.
- Taong 2019 nang muling simulan ang India-Australia intercountry adoption program, ngunit tanging sa Queensland at Northern Territory lamang.
Ipinapakita ng 2019-20 Adoption Australia report na sa 334 na pag-ampon noong 2019-20, tanging 37 ang intercountry adoptions o inampon sa mga bansa na may kasunduan ang Australia. Ito ang ika-15 magkakasunod na taon na bumaba ang bilang ng overseas adoption.
Sa parehong taon, may humaba ang paghihintay para sa pag-aampon sa ibang bansa dahil sa inuuna ng mga kaparehang bansa ang mga lokal na pamilya na makapag-ampon.
At sa mga nagdaang taon, mas hinigpitan ng ilang mga bansa ang mga regulasyon sa proseso ng pag-aampon.
Paano simulan ang proseso?
Para masimulan ang proseso ng pag-aampon, kailangan mong makipag-ugnayan sa iyong state and territory central authority o STCA. Maaari nilang hingin s'yo na magpasa ng iyong interes na mag-ampon o sagutan ang mga katanungan para sa paunang assessment kung ikaw ba ay eligible.
Maaari ding hilingin s'yo ng STCA na sumailalim sa mga interview ng isang adoption assessor at pati na rin sa mga pagsusuri ng kalusugan, at police at referee checks.
Ang single parent na si Deb Brook ay nag-apply para mag-ampon ng bata mula China. Mahigit sampung tao siyang naghintay at sa panahon na ito, nakasama siya sa pagtulong sa iba sa pamamagitan ng isang support group sa Facebook na tinawag na Adoption Australia.
Sa Australia, magkakaiba ang mga requirements ng bawat estado at teritoryo para sa mga adoptive parents o magulang na mag-aampon, bukod pa sa kailangan nilang matugunan ang mga requirements ng ibang bansa para sap ag-aampon.

The most prolonged waiting period is after your application is approved while you wait for an overseas country to match you with a child. Source: Getty Images/Cecilie_Arcurs
Maaaring may limitasyon sa edad, mga isyu sa kalusugan, komposisyon ng pamilya, kakayahang magkaanak, edukasyon, pinagmulang kultura at iba pa.
“You have to able to afford a child financially; they are looking at how many fines you’ve got, even like speeding tickets," ani Ms Brook.
"If you have too many of those, you are ruled out. It does vary per state, and it varies per referring country because they also have their own criteria. So, you have to meet Australia’s requirements plus whatever your selected country’s requirements are as well.”
Ipinapakita ng ulat na Adoptions Australia 2019-20, na karamihan sa mga magulang na nag-aampon at nasa edad 40 - 44.
Kapag nasimulan na o naayos na ang pag-aampon, kailangan mo nang mag-apply para sa Adoption Visa Subclass 102.
Ayon sa Principal Solicitor ng Immigration Advice & Rights Centre, Ali Mojtahedi, kailangang matugunan ng lahat ng mga bata na nagma-imgrate sa Australia ang kinakailangang health requirements.

Children with special needs may be denied a visa if there is a likelihood that their condition will cause a significant cost to the community. Source: Getty Images/SDI Productions
“If the child fails the health criteria on the base that they have a condition that may pose a significant cost to the community or would prejudice access to services, it may be possible for the minister to waive some of these requirements. So, there would be no waiver available if the person has a condition that poses a threat to the community, but a waiver is possible if the minister is satisfied that the grants of the visa would not result in undue costs or undue prejudice.”
Binigyang-diin niya na maaari ding hilingin ng Minister for Immigration, Citizenship, Migrant Services and Multicultural Affairs ang dagdag na requirement na assurance of support.
Ang mga Australian citizens o mga permanent residents na nakatira sa ibang bansa ay maaaring mag-ampon gamit ang isang overseas agency o government authority sa pamamagitan ng expatriate adoption.
Kung ito ang pipiliing proseso, ang tanging partisipasyon ng Pamahalaang Australia ay sa panahon ng aplikasyon para sa visa, kapag natapos na ang proseso ng adoption sa ibang bansa.
Gayunpaman, kakailanganin din nilang ipakita na ang layunin ng kanilang pananatili sa ibang bansa ay hindi para sa pag-aampon kundi dahil sa iba pang lehitimong dahilan.

In Australia, all overseas adoptions are only facilitated if the principles and standards of the Hague Convention are met. Source: Getty Images/Mayur Kakade
We wanted to adopt a child from my relatives in India but because of regulations in Australia, the process didn’t go through.
Taong 2010, sinuspinde ng pederal na gobyerno ng Australia ang inter-country adoption program nito sa India dahil sa mga alalahanin sa child-trafficking.
Ayon kay G Mojtahedi, noong 2019 muling ibinalik ng Australia ang India-Australia intercountry adoption program, pero hindi para sa lahat ng estado.
It’s only available for adoptive parents from Queensland and the Northern Territory.
Sa Australia,ang lahat ng adoption o pag-ampon overseas adoptions ay ginagawa lamang kung natugunan ang mga prinsipyo at mga standards ng Hague Convention on Protection of Children and Cooperation in Respect of Intercountry Adoption are met, which means that the adoption must be in the best interest of the child.
Sa Australia, ang lahat ng adoption o pag-ampon overseas ay ginagawa lamang kung natugunan ang mga prinsipyo at mga standards ng Hague Convention on Protection of Children and Cooperation in Respect of Intercountry Adoption, ibig sabihin ang pag-ampon ay dapat na para sa pinakamabuting interes ng bata.