Para sa drink driving penalty, kung dati’y $500 Australian dollars ang multa para sa first offence… ngayon, papalo na ito ng $1,250. At awtomatikong papatawan ng 3 to 5 demerit points depende sa taas ng blood alcohol content (o bac).
Highlight
- Mula Hulyo 1, tataasan na ang multa para sa mga motorista na lalabag sa “drink and drug driving rules” alinsunod sa Road Safety Commission sa Western Australia.
- Sa unang paglabag kaugnay ng drink driving, $1,250 na ang multa at awtomatikong papatawan ng 3 to 5 demerit points depende sa taas ng blood alcohol content.
- 3 demerit points naman ang babawasin sa lisensya at $1,250 ang multa sa mga magpopositibo sa "roadside drug test'.
$1,250 na rin ang multa sa mga motoristang magpopositibo sa “roadside drug test” na may kalakip na 3 demerit points. $2,000 at 6 months minimum license disqualification naman para ikalawa at mga susunod na paglabag.
Pabor naman dito ang 5 taon nang motorista na si Lemuel… Aniya maganda ang magiging epekto ng bagong regulasyon na ito.
Base sa pinakahuling WA road statistics, 82 ang kabuuang bilang ng WA road fatalities o mga pagkamatay sa kalsada ngayong 2021 kung saan 54 ay mula sa regional, habang 28 dito ay mula sa metropolitan area. Higit na mas mataas ito sa 70 cases ng fatalities noong 2020.
Ayon sa regulasyong ito, may kapangyarihan ang mga pulis na pahintuin at isailalim sa pagsusuri o alcohol breath test ang sinumang motorista.
Para sa kabuuang detalye ng drink and drug driving regulation, maaaring bisitahin ang website ng Road and Safety Commission sa rsc.wa.gov.au.