Key Points
- Ang Pilipinas ay isa sa iilang bansa na nakakapag tanim ng apat na klase ng kape tulad ng Arabica, Robusta, Liberica, at Excelsa.
- Taong 2014 nang mabuo ang Kalsada Coffee, isang grupo ng mga coffee producers at magsasaka na layuning maipakilala ang Philippine specialty coffee sa mundo sa pangunguna ni Tere Domine.
- Hangad ng pelikulang 'Ma'am Tere' na mapalawak ang kaalaman ng mga tao tungkol sa kape at pagpapahalaga sa hirap ng mga magsasaka at producers.
Ang 'Kape Serye' ng SBS Filipino ay isang koleksyon ng mga sulatin nakatuon sa mga Filipino-owned cafés; Filipino baristas, producers, distributors at coffee aficionados; at siyempre, sa Philippine-grown coffee bean.
Ipapalabas sa Australia ngayong Marso 2024 ang isang pelikula nagpapakilala sa mga Philippine origin coffee mula Benguet at Bukidnon.
Sa direksyon ni Paul Baretto, isang Filipino- American coffee roaster, layunin nitong mabigyan ng mas malalim na pag-unawa ang mga manonood tungkol sa inumin, proseso, mga tao sa likod ng mga produkto at maipagmalaki ang mga kape mula sa Pilipinas.
Mapapanood ang 'Ma'am Tere' sa mga sumusunod na lugar at petsa.
2 March 2024
Time: 11:00 am –2:00 pm
Venue: The Coffee Commune
82 Abbotsford Rd, Bowen Hills QLD 4006
3 March 2024
Time: 4:00 –6:00 pm
Venue: Thornbury Picture House
802 High St, Thornbury VIC 3071
9 March 2024
Time: 3:00 –5:00 PM
Venue: Max Webber Library Function Centre
61 Flushcombe Rd, Blacktown NSW 2148