Sa Pilipinas, patuloy na hinaharap ng maraming bata ang panganib ng online sexual exploitation. Ngunit sa tulong ng ilang organisasyon, may mga programang naglalayong protektahan ang mga bata at tiyaking may pangmatagalang suporta para sa mga biktima at kanilang mga pamilya.
Key Points
- Sa isang panayam kay Alyssa Picache, kinatawan ng IJM Australia, tinalakay ang kanilang kampanya na “Freedom. It’s for their future,” na nakatuon sa pangmatagalang proteksyon, hustisya at suporta para sa mga batang nasa panganib.
- Mula sa pagiging volunteer, naging bahagi siya ng organisasyon at ngayon ay aktibong sumusuporta sa mga programang tumutulong sa mga batang biktima ng online sexual exploitation sa Pilipinas.
- Ibinahagi din ni Picache ang panawagan ng organisasyon sa pamahalaan ng Australia na pabilisin ang pagpapatupad ng Digital Duty of Care, na magpapalakas sa pananagutan ng mga online platform na gumawa ng mas epektibong hakbang upang maprotektahan ang mga bata laban sa online harm at exploitation.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, YouTube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook, Instagram and YouTube.
Share




